BibleMio

Mga Awit 131

Filipino / Tagalog — Unlocked Literal Bible · CC BY-SA 4.0

1Yahweh, ang aking puso ay hindi nagmamalaki o aking mga mata ay hindi nagmamataas, wala akong matataas na pangarap para sa aking sarili o pag-aalala sa mga bagay na hindi ko naaabot.

2Tunay nga na pinanatili ko at pinatahimik ang aking kaluluwa; tulad ng batang nawalay na sa kaniyang ina, ang aking kaluluwa ay nasa loob ko tulad ng isang batang nawalay na.

3Israel, umasa ka kay Yahweh ngayon at magpakailanman.

Naka-save lamang sa browser na ito.

Pumili ng wika